* Ano ang Almoranas?
Ang almoranas ay binubuo ng mga ugat, balat at malambot na kalamnan na nakapalibot sa ating tumbong at puwet. Ito ay may babahagyang ginagampanan sa ating pagdumi. Lahat tayo ay mayroon nito, ngunit sa pagdaan ng mga araw ng pagdumi at pag-iri, ito ay nagbabago, nagiging maluwag at mahina habang tayo ay tumatanda.
Ang sakit na ating tinatawag na almoranas ay nararanasan kapag ang paghina at pagluwag na ito ay nagkakaroon ng mga sintomas o palatandaan tulad ng pagdurugo, pananakit at paglabas ng ilang bahagi nito sa butas o labasan ng ating dumi.
Halos lahat tayo ay maaring makaranas ng mga sintomas ng almoranas sa iba‘t-ibang panahon ng ating buhay ngunit ito ay maari lamang hayaan at hindi nagdudulot ng panganib. Ang pagsangguni sa doktor ay kinakailangan kung ang mga sintomas ay nakakasagabal sa pangaraw-araw na pamumuhay.
* Ano ang mga sintomas o palatandaan ng almoranas?
Ang pagdurugo mula sa almoranas ay mapapansin bilang mapula at sariwang bahid ng dugo sa dumi. Ito ay nagangahulugan na ang pagdurugo ay nanggagaling lamang sa ibabang bahagi ng tumbong o puwet. Ang maitim na dugo na nakahalo sa dumi ay nangangahulugan na ang pagdurugo ay nanggagaling sa maliit o malaking bituka (kolon) at hindi sa almoranas. Ang pagdurugo ng almoranas ay walang kasamang kirot kumapara sa anal fissure na may katulad na mapula at sariwang bahid ng dugo subalit may kasamang pagkirot at pananakit.Makakaramdam lamang ng matinding pagkirot o pananakit kung ang almoranas ay mamaga lumabas sa tumbong at maipit. Ang pamamaga ay karaniwang dulot ng pamumuo ng dugo (thrombosis) sa mga ugat ng almoranas. Ang operasyon o ang pagtanggal nito ay epektibo lamang sa loob ng apat na araw. Kung ang almoranas ay hahayaan, ang kirot at pamamaga ay dahan-dahang mawawala sa loob ng 2 Linggo. Ang ganitong pamumuo ng dugo ay mararanasan lamang nang 1 o 2 beses ng isang tao sa kanyang buong buhay. Bihira itong maulit muli
May dalawang uri ng almoranas ayon sa mga eksperto. Ang una ay makikita sa labas ng butas ng puwet (external) Ito ay pangkaraniwan at hindi nagdudulot ng anumang sintomas. Mas makabubuti na ito ay hayaan lamang . Paminsan-minsan ang ganitong uri ng almoranas ay nagdudulot ng pangangati (anal itching) ng maaring dulot ng pawis, o mga duming naiiwan sa mga gitla ng puwet.
Ang pangalawang uri ng almoranas ay iyong matatagpuan sa loob ng tumbong (internal). Ito ay makikita lamang kapag ito ay lumabas sa butas ng puwet (prolapse) pangkaraniwan habang dumudumi at umiire. Ang lumabas na almoranas ay maaring bumalik sa loob nang mag-isa o mangangailangang ibalik sa pamamagitan ng pagtulak ng daliri. Kung ito ay hindi maibalik sa loob, ito ay mananatili sa labas, maiipit o masasakal, mamamaga at magdudulot ng matinding pagkirot (incarcerated hemorrhoids).
* Ano ang nararapat na lunas sa almoranas – operasyon o hindi?
Ang almoranas ay nangangailangan lamang ng lunas kung ito ay kakikitaan ng sintomas. Ang mga bahagyang sintomas ay maaring mabigyang lunas sa pamamagitan lamang ng pagkain ng mga gulay, prutas at mga pagkaing mayaman sa hibla o fiber. Maaari ding uminom ng psyllium (bulk fiber) upang mapadali ang pagdumi. Ang ilang mga pamahid na gamot na mabibilil ay maaari ding magbigay ng pangunahing lunas sa mga sintomas.
May mga paraan ng paggamot na hindi masakit at hindi nangangailangan ng operasyon. Kabilang dito ang injection sclerotherapy, infrared photocoagulation (na madalas na ipagkamali na “laser treatment”), at rubber band ligation. Alin man sa mga ito ay ligtas at maaring gawin sa klinika ng isang espesiyalista. Sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto na naghahambing sa mga pamamaraang ito, sinasabing ang rubber band ligation ang pinakamura at pinakamabisa. Ito ang dahilan kung bakit ito ang nanguna sa mga ganitong uri ng panglunas
Sa isang banda, may mga kaso ng almoranas na maaring matugunan lamang ng isang operasyon. Kabilang na dito ang malalaki at mga naipit (incarcerated) . Ang karaniwang operasyon ay ginagamitan ng iba’t ibang instrumento tulad ng gunting, lanseta, cautery, at ultrasonic dissectors. Karaniwang ang hiwa at sugat bunga ng operasyon ay nagdudulot ng matinding pagkirot. Ito ang isang dahilan kung bakit ang operasyon ng almoranas ay naituring na isa sa mga pinakamasakit na operasyon.
* Ano ang mga makabagong pamamaraan sa paggamot ng almoranas?
Sa dahilang ang operasyon ng almoranas ay nagkaroon ng reputasyon na isa sa pinakamasakit, ang mga makabagong pamamaraan ay tumuon sa paggamit ng mga teknolohiya na makapag-aalis o hindi man ay makapagbabawas sa sakit ng operasyon. Ang isa ay tinatawag na stapled hemorrhoidectomy. Ito ay ginagamitan ng isang Instrumentong stapler (ito ay nagmula sa pagsulong ng stapler na nauna nang ginamit sa mga operasyon ng tiyan). Dito, matapos ang almoranas ay tanggalin, ang pag-ayos sa loob ng tumbong ay ginagamitan ng stapler. Ito ay mahirap gawin sa pangkaraniwang operasyon. Walang sugat sa labas kung kaya’t ito ay napatunayan na mas hindi masakit kumpara sa regular na operasyon. Bagama’t ito ay may bahagyang kaso ng pag-ulit (small recurrence rate).
Ang isa pang makabagong pamamamaraan ay tinatawag na Transanal Hemorrhoidal Dearterialization (THD). Ito ay ginagamitan ng doppler ultrasound. Ang ugat na dinadaluyan ng dugo sa almoranas ay hinahanap at tinitalian sa pamamagitan ng pagtahi. Ang pagkaputol ng pagdaloy ng dugo ang siyang nagpapaimpis at nagpapaliit ng almoranas. Ito ay halos wala ring sakit at walang sugat sa labas na makikita.
* Ano ang mga karaniwang maling akala tungkol sa almoranas?
Ang isa sa mga maling akala tungkol sa almoranas ay ito lang ang natatanging sakit sa puwet. Halos lahat ng mga sintomas ay hinihinalang almoranas kahit na ito ay maaring fissures, impeksiyon o maging kanser . Kaya’t kinakailangan ng opinyon ng eksperto upang malaman ang tunay na problema.
Ang isa pang maling akala tungkol sa almoranas ay maari ito maging kanser. Ito ay hindi totoo. Ang almoranas ay hindi kumakalat at hindi mapanganib sa buhay. Maaaring may mga pangyayari na ang kanser ay naipagkamaling almoranas nang unang tingnan ng doktor at nang lumaon ay napatunayang ito ay kanser pala.
Ang isa pang pagkakamali ay ang pag-aakalang ang pag-opera ng almoranas ay makakapagdulot ng pagkawala ng pamigil sa pagdumi (incontinence). Ito ay hindi totoo. Ang operasyon na isinagawa ng totoong eksperto ay walang kumplikasyon at hindi makapagdudulot ng ganitong problema.
Ang isa pang maling kaalaman tungkol sa paggamot ng almoranas ay ito ay ginagamitan ng laser. Ang totoong LASER (Light Amplification by Stimulated Emission of Radiation) ay may kamahalan at hindi karaniwang ginagamit sa operasyon ng almoranas.
Marami pang ibang maling akala ang madla tungkol sa almoranas at ito ay patuloy na naipapalaganap ng mga walang tunay na kaalaman sa sakit na ito. Ang almoranas ay pangkaraniwang nararanasan. Ito ay maaring magdulot ng labis na pananakit at abala sa pangaraw-araw na pamumuhay ngunit ito ay hindi nagdudulot na panganib sa buhay. Ang lahat ng sintomas na mararanasan ay nararapat na isangguni sa doktor upang malaman kung ito ay totoong almoranas. Maraming mga pamamaraan ang mapagpipilian – maaring gamitan ng operasyon o hindi. Kinakailangan ng opinyon ng eksperto bago magpasiya.
* Ang impormasyong ito ay hindi pamalit sa mga payong medikal. Magtanong at sumangguni sa mga espesiyalista.
2nd Floor, Podium Building, The Medical City,
Ortigas Avenue, Pasig City, Metro Manila
Tel No. (632) 9881000 or (632) 6356789 ext. 7789
www.colonandrectalspecialists.com , www.crsi.com.ph
Email: colorectalspecialists2011@yahoo.com
Clinic Hours: Mondays to Saturdays – 8:00 AM to 5:00 PM except Wednesdays
Ang Mga Espesiyalista
Manuel Francisco T. Roxas, M.D.
Robert L. Chang, M.D.
Catherine S. Co, M.D.
Carlo C. Cajucom, M.D.
Marc Paul J. Lopez, M.D.
Dione P. Sacdalan, M.D.
docako po c ian naranasan ko po to un kipag sex ako sa isang kasama ko sa trabaho,after 2 -3 days my lumabas nah parang lman sa pwet ko,,peru nde nmn cxa masakit at pag tatae ako wla nman dugo.. peru minsan makati cxa, but now doc o ngun gbie lng makati un pwet ko maya maya ntakot ako kc my dugo nah hinde masyado marme,, anong gmot nah mura,,wala pa kasi akong trabaho now.. gusto ma agapan to kung almuranas ba to.. salamat doc advance.sana matulungan mo ako.
Mas mabuti kung makapagpapasuri ka sa doktor upang ma-rule out ang anumang sexually-transmitted disease. Maaari din na iyan ay almoranas o kaya ay punit sa puwit. Kumunsulta upang mabigyan ng lunas.
Good Day Doc! I’m MC Torregrosa, Female, 18 years old.
Nagka-LBM po ako, last Tuesday and ang tinake ko pong gamot e Flagyl (Metronidazole) Normal naman po ang bowel movement ko. Everyday po, after mag breakfast diretso na po ng CR nun. The next morning after ko pong nag take ng Flagyl for my LBM, e hirap na po akong pumupu. Sobrang sakit na din po kasi ng stomach ko kaya hindi ko na din po napigilan. Nakapagbawas pa naman po ako nun kaso parang dry na po yung fe-feel kong texture ng stool ko, and it’s bigger that it was before. Kahit ganun sya kasakit ilabas, everyday pa din po akong nagbabawas and sometime, twice a day pa po. And after 1week kanina nga pong umaga, nag pupu ako instead of floating stool in water e floating stool in blood na po ang nakita ko after ko mag pupu. (Fresh blood po. Red na red sya. Hindi naman po ako constipated lagi po akong umiinom ng tubig as part of my diet na rin po.) Hanggang ngayon may pain pa din akong nafe-feel and sa tingin ko na-force talaga yung anus dun sa hard stool na yun. Nangyare na din po ito before, blood in stool? After 2-3days, nawala na din and naging normal na rin yung color ng stool ko and wala akong pain na nafe-feel. But this time, it’s really painful. 😦 Hindi po kaya side effects na rin ng Flagyl? (8months na din po pala delayed ang aking menstruation. Last I have my menstruation is October 26, 2013 – November 1, 2013 sa tingin nyo po ba may kinalaman ito sa nangyayare sakin? Mataba po ako. Weighing 85-90 kilos. Dating 56 kilos lang po. Simula nung nag stop ang menstruation ko e bumilis na rin po ang pag taba ko.)
Iwasan ang self-medication. Ang Flagyl ay karaniwang inirereseta lamang ng doktor kung ang LBM ay sanhi ng amebiasis at anaerobic bacterial infections. Isa sa mga side-effects nito ay constipation o pagtitibi. Maaaring nagkaroon ng punit ang iyong puwit (fissure) dahil sa pagtigas ng iyong dumi. Kumunsulta sa doktor kung hindi mawala ang matinding pagkirot. Kumunsulta din sa iyong OB-GYNE tungkol sa pagkawala ng iyong menstruation (amenorrhea).
good afternoon po doc. doc. , medyo ma tagal-tagal na din po kasi itong pagsakit ng pwet ko sa tuwing nagdudumi ako. tapos po, ngdudugo .. ano po ba to doc. ? at ano pong kailangan kung gawin para mawala po to?
Mas maigi kung magpapasuri ka sa doktor upang mabigyan ng lunas. Ang sintomas na pagdurugo ay hindi dapat pinatatagal at ipinagwawalang bahala. Maraming sakit sa puwit at tumbong ang may sintomas ng pagkirot at pagdurugo tulad ng almoranas, anal fissure, anal fistula, etc.
doc paano po ba mawawala ang internal hemorrhoids ? sa surgery lang po ba talaga ito mawawala ? kpag nagbabwas po ako ee d nmn na makirot pero makati , signs po ba iyon na gumagaling na oh hindi pa ?
Kumunsulta sa doktor. May mga gamot na maaaring irekomenda sa iyo. Mayroon ding mga makabagong procedures na hindi na kailangan ng tradisyunal na operasyon.
Hello po.
Tanong ko lang po Kung hindi po ba makakasama sa baby ang paglalagay ko po ng #suppositories kasi nagpapa dede po kasi Ako?..
Ilang bese po ba mag lagay ng #suppositories sa isang Araw?
Kasi po naglagay po Ako then nung dumumi po Ako nailabas ko po ulit 8hours naman po ulit Ako naglagay ulit… Paki sagot namn po .. Kasi ang hirap po ng may ganito #almuranas #tinutumbong
Hindi mo nabanggit kung anong uri ng suppository ang iyong ginagamit. Iwasan ang self-medication. Ang mga gamot na iniinom ay dapat may superbisyon ng doktor lalo na sa mga inang nagpapasuso. May mga angkop na gamot na hindi makaka-apekto sa gatas ng ina.
doc. magkano po ba usually yong bayad ngayon pag magpapacheck-up sa ganitong klaseng karamdaman? at sa anong klaseng doctor po ba kami magpapatingin?
Kumunsulta sa colorectal specialists. Ang consultation fee ay P1,000. Tumawag sa te. 6356789 loc. 7789 para sa appointment. Hanapin si Ms. Tabel.
gdpm doc,sa loob po ng 10yirs kpg constipate aq my fresh n blood n lumlbas after kong mgppooh ,nung una sobrang kaba ko til nksanayan ko npo pero wthin 10yirs minsan lng nmn po ngyyari yun..and then last yir my lumabas po n mlambot s pwet ko hndi siya klakihan,,nlgyn ko po ng ointment cream n factu once lng nwala po automatic s labas ng pwet ko..taz last wik my lumabas n nmn po same laman n prang kuntil sinlaki po ng isang pirasong nilagang mani nlgyn ko ng ointmnt n factu ulit dna po xia bumalik til now nkabara po sa pwet ko at lakas loob po hnwakan ko,,yun mismong laman n parang almoranas sinlaki nga po mani my maliliit pa po aq nkapa dun mismo s laman gumugulong sin laki ng butil ng bgas pero bilog …nililinaw ko po yun pong maliliit n bukol ay nsa loob mismo ng kuntil n prang mani..mahapdi po at medyo makati yun..ntatakot po aq mgpacheck up nangangamba po aq bka hndi ito isang simpleng almoranas lng kc parang my mga polyps nga po yung laman n nklawit …kht my kakayahan po aq mgpacheckup pambayad nttakot nga po aq…anung dpat kong gawin
sana po msagot nyo agad ang aking agam-agam at mga katanungan
Kumunsulta upang masagot ang mga katanungan at maalis ang agam-agam.
Magagalak kaming makatulong. Ang almuranas at polyps ay walang pagbabanta sa buhay. Kung iyan nga ay polyps, mas dapat itong ipasuri nang maaaga dahil sa paglipas ng taon, maaari itong madevelop into kanser. Tumawag sa tel. 6356789 loc.7789. Lagi naming isinaalang-alang ang privacy ng aming pasyente.
gdpm doc ,within 10yirs once po n ngcconstipate aq, bleeding po after ko mgppoo sariwa pero d nmn mdami.nung una sobrng takot po aq pero nksanayan ko npo kc in ten yirs time mnsan lng ngyyari yun ganong case..and then last yir npansin ko my lumabas n kuntil s my butt ko like ng butil ng nilagang mani.nagself medication aq nlgyn ko ng factu cream at once ko lng inaply nwala agad automatically..last wik my uneasy feeling ulit akong nfeel s butt ko mkati n medyo mhapdi at nrecognize ko andun ulit yung laman .nlgyan ko siya ng factu cream pero ds time mauubos n yung isang botle ng factu cream hndi parin siya nwwla ..wt the same size butil ng mani more than1wik n siya s butt ko ..lakas loob ko siyang hinipo at medyo pinisil nsalat ko my mga maliliit n parang polyps siya dun mismo s laman ng kuntil n gumugulong ..kya worried po aq ..nililinaw ko po my maliliit n butil n prang bgas pero bilog po ang size dun mismo s kuntil n nsa butt ko…nttakot po aq mgpacheck-up although ndi ko problem yung pampacheck-up mhina po ang loob ko at bka po hndi lng ito simpleng almoranas lng.ano po b ang dpat kong gawin?nttakot po tlga aq padoktor..
Magagalak kaming makatulong. Ang almuranas at polyps ay walang pagbabanta sa buhay. Kung iyan nga ay polyps, mas dapat itong ipasuri nang maaaga dahil sa paglipas ng taon, maaari itong madevelop into kanser. Tumawag sa tel. 6356789 loc.7789. Lagi naming isinaalang-alang ang privacy ng aming pasyente.
Masakit po ba ang almoranas pag una??? Kase po ang sakit po kase nung nasa pwet ko parang maliit lang sya…
Nagsimulapo yun sumakit nung dumumi po ako ng matigas…pangunang araw palang po ngayon..eh ang sakit parin…
Pano po matatanggal yun??? Salamat po…
Maaaring uminom muna ng over-the-counter pain reliever. Kumunsulta sa doktor upang ma-diagnose ang problema.
Doc, goodeve po.. ako rin po ..anu po kya dpat kung gawin sa almuranas ko..2weeks na po ksi to. Kso hnd nmn po sya msakit at hnd rin po sya nagdudugo basta nlng po sya lumabas,, matatanggl pa po kaya ito?
Kumunsulta upang mabigyan ng lunas ang iyong problema. Tumawag sa tel. 6356789 loc. 7789.
bkit po wla pding tugon yung mga ktanungan ko?
Sorry sa late reply.
doc im 15 pero may ganito po ako na problem ang dumi ko po may dugo tpos masakit po konti kapag ito lumabas ok lng po ba ito? at 1month napo tong almoranas ko
Hindi pa sigurado kung iyan ay almoranas. Maaaring iyan ay anal fissure lamang. Maaari itong gumaling nang kusa. Subukang mag-sitz bath isa o dalawang beses isang araw. Kung hindi maaalis ang mga sintomas, kumunsulta sa doktor.
pero doc may kati po at malaki po ang sumi ko
Good am po, may tanong lang po ako.. Isang linggo pa lang po ang nakakaraan mula nung napansin kong may nakalabas po na maliit na laman sa butas ng puwet ko.. Hndi ko po masiguradong almoranas sha kc hndi naman po ako nakaramdam ng hirap sa pagdumi chka hndi ko dn naman po pinepwersa ang pagdumi. Nung una po, masakit sa puwet kpg nkaupo, pero ngaun po wala na. Kaso ang problema ko naman po ngayon, kahit na bagong hugas lang ako, nangangati po sha.. Sigurado naman po akong malinis na.. Ano po kayang pwede pang gawin pra mawala ung pangangati??
Pagfollow up lang po sana nung tanong ko.. Sana po merong solushon..
Kailangan muna ng diagnosis bago makapaghatol ng solusyon.
Mas mabuti kung masuri ka muna ng doktor upang makasiguro sa diagnosis at makapagpayo ng tamang gamot.
Good day po. Nagkaroon po ako ng almoranas after giving birth. Nang minsang nag dumi po ako ng napakatigas na stool. Tanong ko lang po if meron bang over the counter medicine para sa almoranas? Salamat po ng marami
Sumangguni na lang sa doktor upang mabigyan ng reseta ng gamot na maiinom o pamahid na angkop para sa bagong panganak.
Doc, ung akin kc today. Walang sakit akong naramdaman, normal na pag tae. Pag tingin ko nalang sa toilet bowl, ung poop ko brown tpos ung water prang nag orange redish. Ung poop mostly brown pero may bahid lang ng red. Almuranas parin poba ito kht wlang sakit na naramdman
Obserbahan mo pa ng ilang araw ang iyong dumi. Kung patuloy na makakita ng bahid ng dugo, mas maigi na magpatingin ka sa doktor upang ma-diagnose ang iyong kalagayan. Maaaring magkaroon ng almoranas kahit na walang kirot na nararanasan. Kung hindi na maulit ang sintomas, maaaring gasgas o maliit na sugat o punit lamang sa tumbong o puwit ang sanhi ng bahid ng dugo.
doc. tanong ko lang po. my maliit na laman sa butas ng puwet ko. tingin ko po ay almuranas. hindi naman ito nadugo oh kaya ay masakit.. kung ipapatanggal ko ito sa operation, gaano kaya ito katagal bago gumaling? my alternative po ba pra mawala ito ng walang operation?
Oo, may mga procedure na hindi na nangangailangan ng operasyon at confinement sa hospital. Mas mabilis din ang paggaling. Maaari kang pumunta sa aming klinika sa 2nd flr., Podium bldg., The Medical City, Ortigas Ave. Ang mga sakit sa colon, tumbong at puwit ang aming espesiyalisasyon. Tumawag sa tel. 6356789 loc. 7789 para sa appointment o iba pang concerns.
Doc, gusto ko po malaman kung mayroon po kayong mairerekomendang especialista sa Bicol po. Gusto ko po magpaopera, ako po ay apat na buwan ng nagtitiis ng aking kondisyon. Matagal na po akong may almoranas ngunit lumala ito at nagkaroon po ako ng anal fissure nung katapusan ng Marso at ito ang labis na nagpapahirap sa akin. Nanganak po ako via C-section nung April 9. Breast feeding din po ako, wala naman hong inireresetang gamot ang akong OB Gyne.Nagdiet modification na din ho ako, ngunit madalas pa rin ako maconstipate na syang sanhi ng paulit ulit na sintomas. Maaari ko rin po bang malaman kung magkakano po ang pagpapaopera sa inyo at ano po ang best option sa aking condition? Sa Medical City lang ho ba available ang transanal hemorrhoidal dearterialization? Sana po matugunan nyo po ako. Salamat.
Iilan-ilan lamang espesiyalista ang may pagsasanay sa paggamit ng THD. Ang The Medical City ay palaging nangunguna sa paggamit ng mga bagong teknolohiya sa ating bansa. Maaaring available na din ang THD sa ilang pangunahing ospital sa Metro Manila.
Kailangan muna ang pagsusuri upang malaman natin ang best option para sa iyong kaso. Maaari kang pumunta sa aming klinika sa 2nd flr., Podium bldg., The Medical City, Ortigas Ave. Ang mga sakit sa colon, tumbong at puwit ang aming espesiyalisasyon. Tumawag sa tel. 6356789 loc. 7789 para sa appointment o iba pang concerns.
Gud pm po.
ask q lng po, meron po kc aqng dalawang nakalawit s my pwet q, mtgal n cia d nman po cia nasakit kaya hinahayaan q lng but dis past 2 days bigla n lng cia dumugo and masakit n ung pagdumi q, ngayong araw lng cia tumigil s pagdugo, dpat n po b aqng maalarm or pede q n lng cia hayaan kc nkapagpacheck n po kc aq s doctor coz of my habitual constipation and cnvihan nia aq n nagkukulañg lngdaw ung katawan q s fiber…
anu po dpat qgwen?
Maaari kang pumunta sa aming klinika sa 2nd flr., Podium bldg., The Medical City, Ortigas Ave. upang mabigyan ng lunas ang iyong mga sintomas. Ang mga sakit sa colon, tumbong at puwit ang aming espesiyalisasyon. Tumawag sa tel. 6356789 loc. 7789 para sa appointment o iba pang katanungan. For the mean time, makakatulong ang paggamit ng sitz bath, isa o dalawang beses sa isang araw.
Doc, maraming salamat sa iyong tugon. Gusto ko lamang po malaman ang price range ng operasyon (THD vs. Hemorrhoidectomy With LIS) Kung magpaTHD ho ba ako gagaling din kaya ang aking anal fissure? Gusto ko ho sana ng minimally invasive na produce dahil ako ay may 3 months old na baby. Nabasa ko ho na ang recovery sa traditional na hemorrhoidectomy with Lateral internal sphincterotomy ay inaabot ng anim na linggo. Hintayin ko po ang inyong katugunan. Salamat
doc nkpgpa checkup npo aq regardng s kuntil n nsa my butt ko..nagpa colonoscopy procedure ndin po aq base s request ng dr. ok nmn po yung result ng colon ko sobrang npakalinis niya at wlang problem…almoranas nga po yung nkita grade2 at my ininject po s almoranas 5k po xia..bkit po hndi nmn xia inopera kc mliit lng at yun inject gnwa nila pero 2wiks n xia prang nppnsin ko hndi n aq nkkpgil ng popoo now unlike b4..pero naobserve ko wla n yung almoranas ko medyo utot po aq ng utot n prang my kabag at medyo mkati pdin..ngtake aq ng chloramphenicol 500mg for 5days after ng injection normal lng po b yun?nttakot akong umalis ng mlayo kc nga po hndi ko nppigil pag ppooo,,
doc minsan nararamdAMAN KO NA MASAKIT ANG PUWIT KO. MAY NAKA USLING MALIIT NA LAMAN. WALA NMAN DUGO ANG DUMI KO AT HINDI NAMAN MASAKIT PAG DUMUDUMI AKO. MINSAN PARANG UMIIKOT ANG SAKIT SA MAY PUSON. PAG UMUPO AKO NAWAWALA ANG SAKIT, MADALAS KO MARAMDAMAN PAG NAGBUHAT AKO MABIGAT AT MATAGAL NA PAGKAKATAYO. TSAKA PAG MADALAS AKO KUMAKAIN NG MAANGHANG. ANO PO KAYA YUN DOC/
Mas maigi kung magpapa-check up ka sa doktor upang malaman ang sanhi ng mga nararamdaman mong sintomas. Ang mga sakit sa colon, tumbong at puwit ay may mga pagkakahawig ng mga sintomas. Kailangan ang mas ibayong pagsusuri.
doc nabalik po ba ang almuranas sa dti nwawala po ba yung nkalawit na parang laman pero pagaling npo sya kso nkalabas prin po yung laman nya sa puwet ko posible po ba bumalik sa dati yun? almost 2 week npo ang almuranas ko nagaalala po ako bkit hindi pa nwawala pero hindi na sya masakit at namamaga.
May mga kaso na nawawala at mayroon ding hindi. Subukang ipasok sa sa tulong ng daliri.
Doc ask quh lng po ..nung isang gav po sumakit puh ung loob ng pwet quh nd nah po aq mkatulog kc po msakit pero kpg nadumi nmn puh aq wla nmn puh dugo na lumalabas nd nmn po tibi ang dumi qu pero hngang ngaun po maskit parn ano puh ba un almoranas nah po b twg dun ..pki xgot po doc tnx po…..
Sumangguni sa doktor. Maaaring may impeksiyon, pigsa, fissure o maaari ding almoranas.
Hi doc. May external almuranas po ako mga since 2004 ko pa po ito bigla nalang nakapa, peanut sized po sya doc. Di naman po sya sumasakit lagi pero naranasan ko po ang matinding kirot isa o dalawang beses sa loob ng mga taong iyan. Ngunit nitong nakaraang linggo po ako ay nakararanas ng pagkirot siguro dahil po ito sa nakita kong blood clot sa may gilid ng pwet ko. Maaalis din po to kaagad kapag uminom aq ng pain reliever at mag sits bath? Thank u doc
Oo, maaaring makatulong ang sitz bath at pain reliever. Sumangguni sa doktor kung hindi mawala ang mga sintomas.
hi doc mgkanu po ang mgpaopera nang almoranas?parang d na talaga gumagaling almoranas ko binili ko lhat ang resita ng doctor daflon 500,factu supository, ..nanghihina ako sa sobrang sakit lalo na pagtumatae ako..sabi nang doktor dati nsa akin lang daw kng gusto ko paoperahan parang naisip ko ngayon mgpapaopera na ako.pro d ko po ntanung kng mgkanu ang gastos…mgkanu kaya dok?
Marami ng makabagong procedure sa almoranas na hindi na nangangailangan ng operasyon. Sumangguni sa espesiyalista. Tumawag sa tel. 6356789 loc. 7789.
Hi! Doc. Tanung ko lang po kasi pregnant po ako ngayon 8 months may masakit po sa puwet ko at may nakausli na parang laman. MInsan po nahihirapan akong dumumi kasi matigas po. Almuranas po ba ito? Nagagamot nyo po ba ito ngayon? Delikado po ba ito kasi po natatakot ako dahil buntis po ako 3 days pa lang po. pls reply. thank doc.
Karamihan ng nagbubuntis ay nagkakaroon ng almoranas dahil sa dagdag na presyon sa pagbigat ng sinapupunan. Hindi naman ito delikado. Karaniwang pinahahayaan lang ito ng doktor sa panahon ng pagbubuntis. Karaniwan ay nawawala din ito ilang linggo o buwan pagkatapos manganak. Kung hindi ito mawala, sumangguni na lang sa espesiyalista sa mga sakit sa puwit at tumbong.
kapag may almoranas po ba ? hindi ka po ba matatanggap sa Trabaho ? ask ko lang po. salamat po.
Malamang ay matatanggap naman. May ilan lang kaming alam na kaso na sinabihan ng kanilang employment agency na ipagamot muna ang almoranas matapos ang kanilang physical exam.
doc.ng aaply po ako s electronic.naala2 q po n nklbs n laman n nkakapa q s twing aq ay nghuhugas.pero hndi naman po ito nskit..ndi po b ako ba2gxak pg ngpamedical ako?
May alam kaming ilang kaso ng OFW na pinayuhan ng kanilang agency na ipagamot muna ang kanilang almoranas.
Hi Doc. I searched the net because of what I am suffering for 3 days na. First day, feeling ko po nadudumi lang ako pero everytime na magtry ako umupo sa bowl eh hindi naman po ako mapa-dumi, second day ganun parin, pero ngayong 3rd day nagduda nako at sinuri ko kung ano meron… nakita/nakapa ko po na meron parang maliit at matigas na bumubukol near or just outside my anus, left side. I did try to push it papasok and nawawala yung feeling ko na nadudumi ako. Medyo alarming po kasi ngayon lang ito nagyari, ramdam na ramdam ko habang nakaupo, pero kapag tumayo ako eh nawawala or nale-lessen yung feeling, hindi naman po sya masakit eh, exact feeling is yung meron kang matigas na dumi na malapit na lumabas… And, it’s been a week na pala na napapansin ko po maitim ang dumi ko at matigas. Not the usual na dumi before. I’m very active in running for two years na, quit smoking since 2012, occasional drinker and in moderation. I joined 21k fun run this Sunday, July 13 and it was the first time I felt this. I hope you could help me. Thanks and more power.
Kailangan munang makita at masuri ng doktor ang iyong kaso upang magkaroon ng diagnosis. Ang mga sintomas na iyong nararamdaman ay common sa iba’t ibang sakit sa colon, tumbong at puwit.
Tanong ko lang ko po kasi po nag woworry at natatakot ako ksi since nung nagpa transrectal ultrasound ako may nkakapa na kong parang laman na parang nakalawit sa pwet ko nung una dko sya pinapansin di naman kasi siya masakit kaso this past weeks medyo hirap ako mag poopoo ksi masakit na siya eh tapos kahapon lang po humilab tyan ko then ayon nga nag poopoo ako tapos may dugo yung poopoo ko at pwet ko 3x na nanyari skin na may spot ng blood sa poopoo kompero kahapo natakot ako ksi medyo madami eh. Ano po kayang pwede kong gawin? Im hoping for your response thank you po.
Huwag matakot. Magpasuri sa espesiyalista. Kung iyan ay almoranas, marami namang panlunas para diyan. Tumawag sa tel. 6356789 loc.7789.
Gud am po dok..okay lng po ba ang herbal remedies like garlic and stone root para maibsan ang hapdi at swelling ng almoranas? Buntis po kasi ako..Thanks
Huwag uminom ng kahit anong herbal o halamang gamot nang walang pahintulot at superbisyon ng iyong OB-Gyne.
Gudpm dok..pwede po bang gumamit ng herbal remedy like garlic and stone root (hilbas) to ease the pain and swelling of external hemorrhoid?…kasi buntis po ako gusto ko sana herbal lng..thanks
Huwag uminom ng kahit anong herbal o halamang gamot nang walang pahintulot at superbisyon ng iyong OB-Gyne.
Doc may tatanong. lang po ako, kapag dumudumi po ako may dugong lumalabas pero isa o dalawang patak lang. Pero hindi masakit, minsanan lang po magka ganon, nagsimula po noong july 13 po tapos nawala po. Kagabi po may isang patak ng dugo pero nung tumae po ulit ako kaninang umaga, wala na pong dugo. Normal lang po ba yon? Sana po masagot niyo.
Hindi normal ang may pagdurugo kung dumudumi, may kirot man o wala. Mas maganda na magpa-check up na lang sa doktor.
good evening po doc,
im 19y/o female. minsan lang po ako nadudumi..hindi po regular ang pagdumi ko.. minsan, once a week lang po.. kahit pilitin ko pong dumumi, wala pong lumalanbas.pero kapag dumumi po ako, malaki po xa at may dugo po. iniisip ko po na baka malaki lang kaya nabibinat ang pwet ko at nagdudugo. meron po na parang bukol sa puwet ko na kapag natapos po akong dumumi, pag tayo ko po, nararamdaman ko rin naman po itong pumapasok. mahilig po kasi ako sa maanghang.. ano po kaya ito? kapag normal lang po yung dumi ko, wala naman pong dugo at wala rin pong lumalabas na bukol. konti lang po akong uminom ng tubig at palagi pong karne o chicken ang ulam ko.. hindi rin naman po ako kumakain ng gulay at prutas palagi..is it ok po ba na i try ko po yung psyllium?
Kung iinom ka ng walong baso ng tubig o higit pa sa isang araw, at kakain ka ng gulay at prutas, mas magiging madalas ang iyong pagdumi. Kung gagamit ka ng psyllium fiber, dapat ay madami kang ring iinuming tubig.
Maraming salamat sa tugon niyo po pero ang almoranas po ba ay normal ?
or nakakamatay po ?
Almoranas po ba yung may parang bukol o yung balat mismo sa pwet na naka-usbong?
Kailangan munang makita at masuri ng doktor upang mabatid kung ito ay almoranas. Kung minsan ang balat na nakausli ay skin tag lamang. Ang bukol ay maaaring pigsa. Maaaring ding polyp o wart ang nakakapa at hindi almoranas.
Doc,isa po ba sa dahilan ang almoranas up ang bumagsak ka sa medical exam pra sa trabaho ? Thank you po
May alam kaming ilang kaso ng OFW na pinayuhan ng kanilang agency na ipagamot muna ang kanilang almoranas.
Hi po! Bale po kahapon ko lg po Ito napansin bale noong nasa pinas pa po ako tuwing ng dudumi po ako merong konting dugo akong napapahid after akong dumumi kasi constipated po ako palagi..tpos kahapon meron pong namuong laman sa loob ng pwet ko nakakapkap ko po sya at hindi po ako mkalakad ng mabuti kasi kumikirot po sya sa sakit..hindi ko nman po mbalik ang laman kasi nasa loob po pro pg ng dumi po ako hindi nman po masakit..nais ko po sanang malaman kung almoranas po ba sya o hindi po..Salamat po ng marami sana matugunan nyo po ako
Kailangang personal na masuri ng doktor upang malaman kung ito nga ay almoranas.
May dalawang uri ng almoranas ayon sa mga eksperto. Ang una ay makikita sa labas ng butas ng puwet (external) Ito ay pangkaraniwan at hindi nagdudulot ng anumang sintomas. Mas makabubuti na ito ay hayaan lamang . Paminsan-minsan ang ganitong uri ng almoranas ay nagdudulot ng pangangati (anal itching) ng maaring dulot ng pawis, o mga duming naiiwan sa mga gitla ng puwet.
Mawawala din po ba yun doc? Ano po mabisang gawin pawa mawala po yun? kusang mawawala din po ba yun doc need reply asap thanks
Upang matanggal, kalimitan ay kailangan ng procedure tulad ng rubber band ligation (RBL).
Hindi po ba liit or mawawala yung ano pong gamot salamat po
Pwede ko po bang itulak paloob ng aking pwetan para maibalik sya sa loob at hindi na nasa labas maliit lng po sya, ano pong magandang gawin? Or pwede po bng uminom ng gamot para mawala sya sa labas ng pwetan? SALAMAT PO
Hindi naman po siya dumudugo doc. or makati napansin ko lng po tlga na may nakakapa ako banda sa pwetan ko pag tingin ko sa salamin nakita mo may kakaiba tlga doc sna po matulungan niyo ko slmat po
Hi Doc! Ako po ay nakakaranas na ng almuranas medyo ilang taon na po. Meron nakausling laman po sa aking puwitan at minsan po pag ako’y nakakakain ng maanghang ang dumi ko po ay may kasamang dugo. Pero nawawala naman po ito. Ginagawa ko din po bawat iihi or ddumi po ako ay pinapasok ko sya sa loob gamit ang daliri para di masyado lumaki or lumala ilang taon ko na din po ito ginagawa. Pagka matagal na oras po ako nakatayo dahil sa aking trabaho lumalabas po sya at sumasakit. Dahil din po ba rin ito sa pagod at stress? Kailangan ko na po ba ito paoperahan? Meron po ba kayong consultation sa may QC? Kahit bandang North ave po.
Maraming salamat po Doc! God Bless. 🙂
Ang aming klinika ay nasa 2nd Flr., The Podium bldg., The Medical City, Ortigas Avenue. Tumawag sa tel. 6356789 loc. 7789. May mga procedures na maaaring gawin na hindi na kailangan ng tradisyunal na operasyon.
Hi Doc! Ako po ay nakakaranas na ng almuranas medyo ilang taon na po. Meron nakausling laman po sa aking puwitan at minsan po pag ako’y nakakakain ng maanghang ang dumi ko po ay may kasamang dugo. Pero nawawala naman po ito. Ginagawa ko din po bawat iihi or ddumi po ako ay pinapasok ko sya sa loob gamit ang daliri para di masyado lumaki or lumala ilang taon ko na din po ito ginagawa. Pagka matagal na oras po ako nakatayo dahil sa aking trabaho lumalabas po sya at sumasakit. Dahil din po ba rin ito sa pagod at stress? Kailangan ko na po ba ito paoperahan? Meron po ba kayong consultation sa may QC? Kahit bandang North ave po.
Maraming salamat po Doc! God Bless. 🙂
Ang aming klinika ay nasa 2nd Flr., The Podium bldg., The Medical City, Ortigas Avenue. Tumawag sa tel. 6356789 loc. 7789. May mga procedures na maaaring gawin na hindi na kailangan ng tradisyunal na operasyon.
DOC MASAKIT PO YUNG PWET KO PAGNADUMI AT PAG NAKA UPO PA HELP PO
Kumunsulta upang makita at masuri ang sanhi ng pagsakit. Tumawag sa tel. 6356789 loc. 7789.
Ako po nahirapan dumumi ng halos isang buwan. Tapos po may parang dugo sa dumi ko pagkatapos po nun may lumabas ng parang laman sa aking puwit. Hindi naman po masakit pero may time po na kumakati ito. Saan po kaya ako maaaring magpacheck up dito sa manila na presyong pangmasa lang po. Salamat.
Maaaring pumunta sa UP-PGH GSII office, sa Jose Reyes Hospital, o sa Quirino Memorial Hospital. Hanapin ang mga colorectal specialists.
magandang araw po doc,,nais ko lng po huminge ng payo sa problema ko sa twing dumudumi ako may lumalabas na laman,matagal ko ng problema pero hnd ako nag alala kc hnd nmn po masakit hanggang sa nung nagttrabaho na ako sa malayo,,last 2 yrs po naranasan ko maconstipate at may dugo po na kasama ang dumi ko,huminge po ako ng payo sa pharmacy kung anung gamot at binigyan nya po ako ng soposetory na 2 klase,isa po para sa pagdurugo at isa para sa paglambot ng dumi,sa araw araw po na pagdudumi ko eh naging normal na po sakin na may lumalabas at pinapasok ko nlng po patulak sa loob pero ngayun po kc naramdaman ko na mahapdi po sya sa twing hinuhugasan ko,yun po ang problema ko ngayun kc ilang buwan pa po bago ako makauwe at makapagkunsulta sa inyo,,gusto ko pa sanang itanung kung anu po ang pwd ko ipahid na ointment para mawala ang paghahapdi,salamat po sa blog nyo at nagkaron po ako ng kaalaman tungkol sa problema ko,nawa po ay matulungan nyo ako,,
Makakatulong ang paggamit ng sitz bath (pag-upo sa palangganang may mainit-init na tubig) isa o dalawang beses sa isang araw. Kailangan munang makita at masuri ng doktor bago makapagbigay ng reseta ng gamot na maiinom at pamahid.
doc,ask ko lang po buntis aq 6 months na pero may almuranas po ako nabigla lang aq kasi nung dumumi aq eh dugo lumabas nung ngpilit aq ng unti ganun lumabas walang dumi at hindi naman masakit masama po b sa baby ko?maapektohan po b siya dati kasi unti lang eh iba na ung kanina parang ihi na lumabas na lng sa pwet q..
Karamihan sa mga nagbubuntis ay nakakaranas ng almoranas. Madalas ito ay nawawala rin ilang linggo o buwan pagkapanganak. Wala naman itong epekto sa pinagbubuntis. Kumunsulta sa doktor kung hindi gumaling ilang buwan pagkapanganak.
isang linggo napo mahigit nang maramdaman ko na my masakit sa puwet q pag dumudumi ako pero di naman dumudugo at d nMn msakit. pagnadumi lang ako. anu po kaya ito?
Kailangang ipasuri sa doktor upang malaman ang dahilan ng pagsakit.
hi doc