* Ano ang Almoranas?
Ang almoranas ay binubuo ng mga ugat, balat at malambot na kalamnan na nakapalibot sa ating tumbong at puwet. Ito ay may babahagyang ginagampanan sa ating pagdumi. Lahat tayo ay mayroon nito, ngunit sa pagdaan ng mga araw ng pagdumi at pag-iri, ito ay nagbabago, nagiging maluwag at mahina habang tayo ay tumatanda.
Ang sakit na ating tinatawag na almoranas ay nararanasan kapag ang paghina at pagluwag na ito ay nagkakaroon ng mga sintomas o palatandaan tulad ng pagdurugo, pananakit at paglabas ng ilang bahagi nito sa butas o labasan ng ating dumi.
Halos lahat tayo ay maaring makaranas ng mga sintomas ng almoranas sa iba‘t-ibang panahon ng ating buhay ngunit ito ay maari lamang hayaan at hindi nagdudulot ng panganib. Ang pagsangguni sa doktor ay kinakailangan kung ang mga sintomas ay nakakasagabal sa pangaraw-araw na pamumuhay.
* Ano ang mga sintomas o palatandaan ng almoranas?
Ang pagdurugo mula sa almoranas ay mapapansin bilang mapula at sariwang bahid ng dugo sa dumi. Ito ay nagangahulugan na ang pagdurugo ay nanggagaling lamang sa ibabang bahagi ng tumbong o puwet. Ang maitim na dugo na nakahalo sa dumi ay nangangahulugan na ang pagdurugo ay nanggagaling sa maliit o malaking bituka (kolon) at hindi sa almoranas. Ang pagdurugo ng almoranas ay walang kasamang kirot kumapara sa anal fissure na may katulad na mapula at sariwang bahid ng dugo subalit may kasamang pagkirot at pananakit.Makakaramdam lamang ng matinding pagkirot o pananakit kung ang almoranas ay mamaga lumabas sa tumbong at maipit. Ang pamamaga ay karaniwang dulot ng pamumuo ng dugo (thrombosis) sa mga ugat ng almoranas. Ang operasyon o ang pagtanggal nito ay epektibo lamang sa loob ng apat na araw. Kung ang almoranas ay hahayaan, ang kirot at pamamaga ay dahan-dahang mawawala sa loob ng 2 Linggo. Ang ganitong pamumuo ng dugo ay mararanasan lamang nang 1 o 2 beses ng isang tao sa kanyang buong buhay. Bihira itong maulit muli
May dalawang uri ng almoranas ayon sa mga eksperto. Ang una ay makikita sa labas ng butas ng puwet (external) Ito ay pangkaraniwan at hindi nagdudulot ng anumang sintomas. Mas makabubuti na ito ay hayaan lamang . Paminsan-minsan ang ganitong uri ng almoranas ay nagdudulot ng pangangati (anal itching) ng maaring dulot ng pawis, o mga duming naiiwan sa mga gitla ng puwet.
Ang pangalawang uri ng almoranas ay iyong matatagpuan sa loob ng tumbong (internal). Ito ay makikita lamang kapag ito ay lumabas sa butas ng puwet (prolapse) pangkaraniwan habang dumudumi at umiire. Ang lumabas na almoranas ay maaring bumalik sa loob nang mag-isa o mangangailangang ibalik sa pamamagitan ng pagtulak ng daliri. Kung ito ay hindi maibalik sa loob, ito ay mananatili sa labas, maiipit o masasakal, mamamaga at magdudulot ng matinding pagkirot (incarcerated hemorrhoids).
* Ano ang nararapat na lunas sa almoranas – operasyon o hindi?
Ang almoranas ay nangangailangan lamang ng lunas kung ito ay kakikitaan ng sintomas. Ang mga bahagyang sintomas ay maaring mabigyang lunas sa pamamagitan lamang ng pagkain ng mga gulay, prutas at mga pagkaing mayaman sa hibla o fiber. Maaari ding uminom ng psyllium (bulk fiber) upang mapadali ang pagdumi. Ang ilang mga pamahid na gamot na mabibilil ay maaari ding magbigay ng pangunahing lunas sa mga sintomas.
May mga paraan ng paggamot na hindi masakit at hindi nangangailangan ng operasyon. Kabilang dito ang injection sclerotherapy, infrared photocoagulation (na madalas na ipagkamali na “laser treatment”), at rubber band ligation. Alin man sa mga ito ay ligtas at maaring gawin sa klinika ng isang espesiyalista. Sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto na naghahambing sa mga pamamaraang ito, sinasabing ang rubber band ligation ang pinakamura at pinakamabisa. Ito ang dahilan kung bakit ito ang nanguna sa mga ganitong uri ng panglunas
Sa isang banda, may mga kaso ng almoranas na maaring matugunan lamang ng isang operasyon. Kabilang na dito ang malalaki at mga naipit (incarcerated) . Ang karaniwang operasyon ay ginagamitan ng iba’t ibang instrumento tulad ng gunting, lanseta, cautery, at ultrasonic dissectors. Karaniwang ang hiwa at sugat bunga ng operasyon ay nagdudulot ng matinding pagkirot. Ito ang isang dahilan kung bakit ang operasyon ng almoranas ay naituring na isa sa mga pinakamasakit na operasyon.
* Ano ang mga makabagong pamamaraan sa paggamot ng almoranas?
Sa dahilang ang operasyon ng almoranas ay nagkaroon ng reputasyon na isa sa pinakamasakit, ang mga makabagong pamamaraan ay tumuon sa paggamit ng mga teknolohiya na makapag-aalis o hindi man ay makapagbabawas sa sakit ng operasyon. Ang isa ay tinatawag na stapled hemorrhoidectomy. Ito ay ginagamitan ng isang Instrumentong stapler (ito ay nagmula sa pagsulong ng stapler na nauna nang ginamit sa mga operasyon ng tiyan). Dito, matapos ang almoranas ay tanggalin, ang pag-ayos sa loob ng tumbong ay ginagamitan ng stapler. Ito ay mahirap gawin sa pangkaraniwang operasyon. Walang sugat sa labas kung kaya’t ito ay napatunayan na mas hindi masakit kumpara sa regular na operasyon. Bagama’t ito ay may bahagyang kaso ng pag-ulit (small recurrence rate).
Ang isa pang makabagong pamamamaraan ay tinatawag na Transanal Hemorrhoidal Dearterialization (THD). Ito ay ginagamitan ng doppler ultrasound. Ang ugat na dinadaluyan ng dugo sa almoranas ay hinahanap at tinitalian sa pamamagitan ng pagtahi. Ang pagkaputol ng pagdaloy ng dugo ang siyang nagpapaimpis at nagpapaliit ng almoranas. Ito ay halos wala ring sakit at walang sugat sa labas na makikita.
* Ano ang mga karaniwang maling akala tungkol sa almoranas?
Ang isa sa mga maling akala tungkol sa almoranas ay ito lang ang natatanging sakit sa puwet. Halos lahat ng mga sintomas ay hinihinalang almoranas kahit na ito ay maaring fissures, impeksiyon o maging kanser . Kaya’t kinakailangan ng opinyon ng eksperto upang malaman ang tunay na problema.
Ang isa pang maling akala tungkol sa almoranas ay maari ito maging kanser. Ito ay hindi totoo. Ang almoranas ay hindi kumakalat at hindi mapanganib sa buhay. Maaaring may mga pangyayari na ang kanser ay naipagkamaling almoranas nang unang tingnan ng doktor at nang lumaon ay napatunayang ito ay kanser pala.
Ang isa pang pagkakamali ay ang pag-aakalang ang pag-opera ng almoranas ay makakapagdulot ng pagkawala ng pamigil sa pagdumi (incontinence). Ito ay hindi totoo. Ang operasyon na isinagawa ng totoong eksperto ay walang kumplikasyon at hindi makapagdudulot ng ganitong problema.
Ang isa pang maling kaalaman tungkol sa paggamot ng almoranas ay ito ay ginagamitan ng laser. Ang totoong LASER (Light Amplification by Stimulated Emission of Radiation) ay may kamahalan at hindi karaniwang ginagamit sa operasyon ng almoranas.
Marami pang ibang maling akala ang madla tungkol sa almoranas at ito ay patuloy na naipapalaganap ng mga walang tunay na kaalaman sa sakit na ito. Ang almoranas ay pangkaraniwang nararanasan. Ito ay maaring magdulot ng labis na pananakit at abala sa pangaraw-araw na pamumuhay ngunit ito ay hindi nagdudulot na panganib sa buhay. Ang lahat ng sintomas na mararanasan ay nararapat na isangguni sa doktor upang malaman kung ito ay totoong almoranas. Maraming mga pamamaraan ang mapagpipilian – maaring gamitan ng operasyon o hindi. Kinakailangan ng opinyon ng eksperto bago magpasiya.
* Ang impormasyong ito ay hindi pamalit sa mga payong medikal. Magtanong at sumangguni sa mga espesiyalista.
2nd Floor, Podium Building, The Medical City,
Ortigas Avenue, Pasig City, Metro Manila
Tel No. (632) 9881000 or (632) 6356789 ext. 7789
www.colonandrectalspecialists.com , www.crsi.com.ph
Email: colorectalspecialists2011@yahoo.com
Clinic Hours: Mondays to Saturdays – 8:00 AM to 5:00 PM except Wednesdays
Ang Mga Espesiyalista
Manuel Francisco T. Roxas, M.D.
Robert L. Chang, M.D.
Catherine S. Co, M.D.
Carlo C. Cajucom, M.D.
Marc Paul J. Lopez, M.D.
Dione P. Sacdalan, M.D.
panu poh ba ung parang dugo na tlga ang lumalabas pagkatpos mag tae..di po sya nababalot sa dumi lumalabas po tlga sya pagkatpos magtae lalo na po pag sobrang par iire
Dear Ma’am,
Marami pong sakit sa bituka at puwit na ang sintomas ay pagdurugo. Kabilang dito ang almoranas, fissures, polyps at maging kolon kanser. Magsadya po sa aming klinika sa 2nd Flr, Podium Bldg.,The Medical City, upang makasiguro at mabigyan ng nararapat na lunas.
Panu po ba magagmot ang almuranas pag buntis.
Dear Ma’am,
Ang almuranas na namamaga o lumalabas sa pagbubuntis ay kadalasang humuhupa din ilang linggo matapos ang panganganak. Ang sanhi nito ay ang pagtaas ng pressure sa loob ng abdominal cavity dahil sa lumalaking sinapupunan. Hindi namin minumungkahing operahan ito. Maaari kang mag warm sitz bath o ibabad sa maligamgam na tubig ang puwitan sa loob ng 15 minuto, 2 hanggang 3 besee sa isang araw. Kung patuloy kang naaabala nito, sumangguni sa iyong colorectal specialist.
magandang umaga po doc,gusto ko lng po sanang itanong kng may epekto ba ang almoranas sa pagbubuntis,kac po 9 months na po akong buntis.pero ako po ay may almoranas kac sa tuwing dumudumi ako lalong lumalaki ang aking almoranas.kapag po ba doc ako ay manganak at iiri po ako lalo po bng lalaki ang aking almoranas,kac sa ngaun doc nahihirapan po akong umupo.anu po ba ang dapat kong gawin?sana po doc ay mapayohan nyo po ako,maraming salamat po.
Karaniwang nagkakaroon ng almoranas ang mga buntis dahil sa pagbigat ng sinapupunan, ito ay nagkakaroon ng presyon sa tumbong at puwit. Karaniwan ding ang almoranas ay kusang mawawala ilang linggo o buwan pagkatapos manganak kung kaya’t maaari mo itong hayaan lamang. Walang epekto ang almoranas sa pagbubuntis.
panu po ba malalan kung kanser ang sakit o almoranas
Dear Ma’am,
May mga tests po na ginagawa upang malaman kung ang sakit ay kanser. Maglalabas po kami ng mga kaalaman tungkol sa kolon kanser sa mga susunod na blog.
magandang umaga dok,tanong ko lng po.bago ko lng din naramadaman na my tumutubo pong parang laman sa puwit ko.ang kinainisan ko dahil minsan makati,subrang kati tlaga.ito po ba yng sanhi ng almoranas?pero regular naman ang pagdumi ko.pero ang problema po kasi,sagabal dahil makati.kaya ang ginagwa ko.bumili po ako ng cream na anti itch cream.medyo tumigil cya,at kumakti parin cya.lalo na kng makakain ako ng maanhang.mahilig kc ako kumain ng may sili.ito po ba yng sanhi noon,at subra akong mag iri kng tumatae ako?ano po bang dapat gawin ko,para mawala yng kati?magkano po ba budget ko if gusto kong paoperahan kc subrang sagabl tlaga sa araw araw n pamumuhay.nagcmula po itng may laman nooong nangnak ako noong edad ko 20 yrs old,pero ngaun lng ako nakaramdm ng pangati sa edad kong 31.thanks
Kailangang makita at masuri ng doktor ang iyong kaso upang ma-diagnose at mabigyan ng nararapat na gamot. Kung kailan lang nangati, maaaring iba ang sanhi nito. May iba-ibang procedure ang pwedeng gawin, depende sa laki at stage ng almoranas. Kumunsulta upang mapag-usapan kung ano ang nararapat na procedure na naa-ayon sa iyong budget.
Masakit po ang puwet ko pag katpos kong mag dumi na may dugo
Dear Ma’am,
Ang pagdumi na may kasamang dugo ay hindi dapat ipagsawalang bahala sa dahilang ito ay maaring sintomas hindi lamang ng almoranas kung hindi ng iba pang sakit sa bituka tulad ng kanser sa kolon o malaking bituka. Sumangguni sa espesiyalista upang makasiguro.
it is very helpful for me.. thanks doctors
Dear Ma’am,
Thanks, we appreciate your feedback.
very informative! does your clinic accept intellicare health card?
Dear Ma’am,
Thank you very much for your comment. Yes, we accept Intellicare and other major health cards in the country.
Informative… Now, naliwangan na ako. thanks po.
Dear Ma’am,
Maraming salamat din sa iyong comment.
Dok tanong kulang poh bakit poh may parang sugat sa gilid ng pwit tas kumati minsan..?salmat poh margie po ng pasig.
Dear Ma’am,
Maaring ang sugat na ito ay yung tinatawag na anal fissure o punit sa puwit. Magsadya sa aming klinika sa 2nd Flr, Podium Bldg.,The Medical City, upang ito ay masuri at mabigyan ng karampatang lunas.
namamaga po kc yung almuranas ko pwede po ba matulak yun sa loob ng puwet kht nmamaga??
namamaga po kc yung almuranas ko pwede po ba matulak yun sa loob ng puwet kht nmamaga??
Dear Sir,
Ang namamagang almoranas ay lubhang masakit. Hindi kailangang tiisin ang matinding sakit dahil marami namang gamot at lunas ang almoranas. Magsadya sa aming klinika sa 2nd Flr, Podium Bldg.,The Medical City.
magkano po ang checkup ng almoranas? anu ano po ang mga ga2wing test kapg ngpacheckup?paano po malalaman kung kaya pa ng mga gamot o kailangan na ng operasyon?
Dear Ma’am,
Ang consultation fee ng aming klinika sa Podium Building sa The Medical City ay P1,000. Sa unang pagbisita maaring silipin ng espesiyalista ang puwit sa pamamagitan ng anoscope. Ang almoranas ay may “grade” na tinatawag upang malaman kung ano ang nararapat at naaangkop na gamot o procedure.
pag may almoranas po ba ay sanhi ng pagkaing maaahanghang?
Dear Sir,
Ang pagkain ng maanghang lalo na ng siling labuyo ay nakaiirita ng bituka at maaring maging dahilan ng madalas na pagdumi. Ang madalas at mapuwersang pag-iri ay maaring maging dahilan ng paglabas ng almoranas sa ating puwit. Maliban dito, sa ating pagtanda, ang bahaging ito ng ating puwit ay natural na humihina at lumuluwag.
gud day.. tumatanggap po ba ang cilnic nyo ng card ng maxicare. yon po kc ang gamit nmin na card.
Dear Ma’am,
Opo, tumatanggap kami ng Maxicare.
ok po mga advices.. try ko po ito.
Maraming Salamat.
Mag iisang linggo na po akong dinudugo pag dumudumi ako.. hindi naman po sya masakit.. ganu po ba katagal mawala ang dugo kung almuranas po ito?
Kung hahayaan lamang, ang mga sintomas ng almoranas ay maaring dahan-dahang humupa sa loob ng dalawang linggo. Ngunit ang pagdurugo sa puwit ay maraming kadahilanan kung kayat hindi dapat basta ipagwalang bahala. Maari rin itong maging sintomas ng mas malalang karamdaman tulad ng kolon kanser. Sumangguni sa doktor upang mabigyan ng wastong lunas.
nakakaranas po ako ng sakit sa aking puwit, kinapa ko na po ito at nalaman ko na may nakaumbok na maliit na parte at nagdurug ito. almoranas na po ba ito? panu po and gagawin ko?
Dear Sir,
Maaari nga pong almoranas iyan. Ngunit may iba’t ibang sakit sa puwit na may katulad na sintomas. Huwag pong mag-atubiling kumunsulta sa doktor upang mabigyan ng tamang lunas. Magsadya po sa aming klinika sa 2nd Flr, Podium Bldg.,The Medical City, upang makasiguro.
gud day po.. mtagal ko n t0ng nrarmdaman .. may mliit n k0ntil po date sa pwet ko ngaun lumake n sya at nadagdagan pa ng isang mliit pa ulet n kuntil .. alm0ranas n po b ito ?? mdalas ko ndn po kc nraramdaman at pag kirot at pag sket ng pwet ko pag ktap0z ko dumume . at pag mtgas naman po ang dinume ko may ksama n po syang kontng dugo .. anu po ang gagawin ko at anu po b ang krampatang lunas d2 ?. mraming slamat po
Marami ngayong pamamaraan upang magamot ang almuranas. Kumunsulta sa mga espesiyalista.
Meron powh kxe lumabas na malambot sa pwet q pero ndi aman ito masakit ,.ngpamedical powh aq pra sa work at sv ng doktor ng iphysical exam aq..my almoranas nga daw powh aq,, pero ndi aman xa masakit ala dn pgdurugo meron powh ba home remedies pra dna aq mgpakonsulta sa doktor..
Kung hindi naman ito nakakaabala sa iyo, maari naman itong hayaan lamang. Kumain ng gulay at prutas na mayaman sa hibla o fiber. Uminom ng maraming tubig. Maari ding magsitz bath o umupo sa sa palangganang may mainit-init na tubig.
gudeBning.. ask ku lng pu f meron kayong clinic na bicol o sa naga man lng pu.. tnx
Sa ngayon po, sa Metro-Manila lamang ang practice ng aming mga espesiyalista.
Hi. ask ko lang po, may nararamdaman po kasi akong hapdi minsan kapag dumudumi ako tapos susundan na po ng kaunting pagdurugo (fresh blood), nag start ‘to noong dumumi ako ng may katigasan, dumugo po sya (parang may napunit). Simula noon may sumasama ng dugo kapag dumudumi ako pero hindi naman madalas. Hindi po maiwasan na minsan tumitigas talaga ang dumi ko. Meron po bang gamot na pwedeng inumin na panghilom ng sugat sa puwet? Sigurado po akong sugat lang ito at hindi almuranas. makakatulong po ba ang Mefenamic Acid?
Maaari ngang ikaw ay nagkaroon ng punit sa puwit o anal fissure. Magsadya sa aming klinika upang masuring mabuti at mabigyan ng tamang gamot na pamahid o maiinom.
posible padin po ba na ma wala ito kahit ilang taon nadin siya? i thing 13 ako ng mapansin kong nagkakaroon ako nito. pina check ko na to sa clinic pero ang sabi hindi daw siya almoranas balat daw ito na bahagi ng puwit. pero according po sa nabasa ko dito almoranas nga ito. wala naman siyang epekto saakin, hindi naman abala pero gusto kong mawala ito.. posible paba po? maraming salamat.
Mayroon kaming procedure na tinatawag na rubber band ligation (RBL). Ang nakalawit na balat o almoranas ay tinatalian ng maliit na lastiko. Pagkaraan ng ilang araw, ito ay kusang malalaglag. Marami pang ibang pamamaraan ang maaring gawin. Magsadya sa aming klinika upang makita ang iyong kaso at mabigyan ng tamang lunas.
Tanung po,
Anu po kaya ung nararanasan ko na minsan medyo matagal napigil ang ihi then pagihi or after nito my kirot n nramdaman sa puwet n sobrang sakit.
Anu po kaya un? ndi nmn xa mdalas pro as in masakit po.
Please advise
Kailangang magpasuri upang malaman ang iyong kaso. Ang matinding kirot sa alin mang bahagi ng katawan ay sintomas o palatandaan na may hindi maganda sa bahaging iyon ng katawan. Maaring magpakonsulta sa isang colorectal specialist o urologist. Ipasuri din ang iyong prostate.
gud afternun po..sa palagay nio po almuranas na tuh kasi when i was 16 naranasan ko na po tung pag dudumi ku na my kasamang dugo and then pag kailang araw my lumabas na parang balat na soft syang hawakan di sya masakit hawakan ..tapos ngayung araw nag dumi ako and then pagkatapos nun… biglang kumati yung pwet ko tapos kinalot ko sya with panyo mismo dun sa tumbog tapos yung panyo ku my kunting dugo lang…natakot ako hindi po ba yun delikado..
pakisagot naman po…salamat
Maraming karamdaman sa puwit at tumbong na ang sintomas ay pagdurugo. Ang almoranas ay isa lamang sa mga ito. Para sa kapanatagan ng iyong isip at kalooban, magpasuri sa espesiyalista.
pwede po bang mlaman kung magkano ang paopera sa almuranas?
Nagpadala ako ng email sa iyong address, ngunit ito ay bumalik.
gud day po.!may lumalabas na balat sa puwet ko kpag ako tumaTAE…pro wla nmang ksamang dugo…binabalik ko na lng pgktpos ko hugasan puwet ko…anu ba gamot at anu twag dto???
Maari ngang almoranas ang iyong kaso ngunit kailangan ka munang masuri ng doktor bago makapagbigay ng anumang gamot.
good day doc… tanung ko lang po kung anu kailangan gawin d2 sa almoranas ko.. pag katapos ko po kasi dumumi ay namamaga sya, masakit at mahapdi at kailangan atleast 4 hours para mawala ang pag maga.. lagi po ganito ang nangyayari pagkatapos ko dumumi…. 2 years na po akong ganito simula nung nag GYM ako…. kaya tinigil ko na po ang pag gGYM mga 10 months na ako tumigil pero ganun padin po yung almoranas ko… pls help po….
natatakot po ako baka ito maging dahilan para di ako makapasok sa PNP.
sa probinsya po kc ako kya sana ma paliwanagan nio po ako…
thanks po dok ng marami…..
Kailangan mong magpatingin sa doktor. Maraming makabagong paraan upang mabigyang lunas ang almoranas. Hindi kailangang masakripisyo ang oportunidad na makapasok sa minimithing karera at maging ang pageehersisyo dahil lamang sa problemang meron namang solusyon.
Dok,meron po akong external na almoranas, hindi nman po xa masakit o nag kikirot, kso paminsan2 eh nag dudugo while nag babawas po ako. Ano po ba dapat gawen dito or ewasang kainin or gawen? Tnx ahead.
Makakatulong ang sitz bath. Ito ay ang pag-upo sa palangganang may mainit na tubig. Uminom ng maraming tubig at kumain ng pagkaing mayaman sa hibla o fiber upang maging madali ang pagdumi. Kumunsulta sa doktor upang mabigyan ng gamot na pamahid o maiinom.
Pwede po ba gumamit sa inyo ng medicard? Magkano po babayaran pag nagpakonsulta at ginamit ang medicard? salamat po
Opo, tumatanggap kami ng medicard. Walang bayad ang konsulta.
Dear doc ask ko lng kasi magpaopera napo ako sa almuranaa 2 months ago pero bakit po merun pa ..tinanong ko po yung doctor bakit merun pa kasi kaya ko po pinaopera un kasi for my medical wrk sav ng doctor hndi dw nila kinuha lahat o tinanggal kasi ganun dw makabago opera ng almuranas pag tinanggal dw lahat baka d na dwaq makadumi tru po bah yun?Hindi napo pwede mag opera ulit once na operahan na? I’m very worried about this po kasi maliit lng naman almuranas ko pero after d operation merun pa pala ano po ang dapat ko gawin?
Kadalasan, ang tinatanggal lang talagang almuranas ay iyung “symptomatic” o nakakaabala. Hindi minumungkahi na tanggalin ang lahat ng almuranas dahil maaari itong magkaroon ng “stricture” o pagkipot ng butas ng puwet. Dagdag pa dito, mayroong mga mahahalagang gamit ang almuranas kung kaya’t hindi tinatanggal ang lahat.
Kung hanggang ngayon ay may dugo pa rin sa pagdumi niyo, mangyaring kumonsulta po muli sa doktor na nag-opera sa inyo.
di ako mapalagay sa sitwasyun ko ngayon na tumubo sa pwit ko..hindi ko alam kung almoranas ba eto o hindi..pero sa isip ko almoranas eto…hindi ko po alam kung external o internal hemmorhoid po eto….wala nmn aqng nararamdaman na sakit o kht anu..pilit kung pinapapasok sa loob ang laman na tumubo sa anal ko pero bumabalik sa labas..natatakot poh ako at naguguluhan sa sitwasyun q ngayun..anu po ba dapat kung gawin?tulungan nyu poh ako
Upang hindi maguluhan at matakot, magpatingin ka sa doktor. Maraming magaling na colorectal specialists sa Singapore. Kung siguradong ito nga ay almoranas, maari mo lang naman itong hayaan lalo na kung ito ay hindi naman sumasakit at nakakaabala sa iyo.
Dok, dumumi po ako at imbes dumi yung lalabas dugo po yung nakita ko sa basin. minsan din po pagkumaen ako by hot and spicy parang umiinit po pwet ko. Natatakot po ako.. 😥
Upang huwag matakot, kumunsulta sa doktor upang malaman ang sanhi. Ang pagdurugo ng puwit ay sintomas ng iba’t ibang sakit sa bituka at puwit hindi lamang ng almoranas.
Meron po parang kuntil sa bitas ng ng aking puwit at minsan mo sumasakit po at puwit ko at minsan mo may kasamang dugo ang dumi ko at parang nag iiniit ung butas ng puwit ko … Ano po ba un mam? Salamat po…
Kailangan mong ipakita ang kuntil sa doktor upang malaman kung ano ito at mabigyan ng tamang lunas. Maaring ito ay pigsa o kaya ay almoranas.
Nkkaranas po ako ng pagsusugat ng aking tumbong sa paligid po nito,anu po ang aking maaaring gawin upang malunasan ito 3days ku npo itong iniinda hirap po ako sa pang araw2 n tratrabhi sana po mtulungan nyo ako mamaraming salamat po
Panatiliing malinis at tuyo ang iyong puwit. Ang pawis at ang duming naiiwan sa mga gitla ng puwit ay maaring maging sanhi ng pangangati at pagsusugat ng puwit. Maari ring may iba pang dahilan. Kumunsulta sa doktor upang masuri at malaman kung ano ang pagsusugat na iyan bago makapagbigay ng nararapat na gamot.
Mam inopera po almoranas ko last july 15, my gamot aq iniinom, pero pki ramdam ko wla ipekto kung ano pki ramdam ko noon inopera aq gnon p din, 5 days n aq inom gmot, advisable b n uminom aq ngaun ng veramoid forte, pls rply on my email, tnx in advance
Sumangguni muli sa iyong doktor na nag opera at sabihin ang iyong concern. Sundin ang payo ng doktor at huwag mag self-medicate.
magandang araw poh sa in.u dok ., ako po ay 14 years old at itong nkaraang araw ko lng poh npansin sa pagbwas ko poh my ksamang dugo sa dumi ko prang nag aaple po xia kinakabhan po ako sa posibleng mngyari skin almoranas poh ba ito dok ? dalawang araw ko na poh itong nraranasan wla nman poh kahit konting sakit o kirot anoh poh bah ito dok ? kinakabhan poh kc ako ., tga gensan poh kc ako mlayo sa clinic nin.u .., sana poh matulungan nio ako kng ano ito at kng dlikado poh bah ito .., maraming salamat poh GOD BLESS !.,
Iha, maaring kang magpatingin sa gastroenterologist o maging pediatrician o general practitioner sa inyong lugar. Ang sintomas na pagdurugo sa puwit ay hindi dapat ipagwalang bahala lalo na sa iyong idad na 14 years old.
Magkaano po usually ang fee for the surgery na binabanggit sa post ninyo para may idea kami before hand magkaano ang gagastusin? Please send the info to my email in case you do not want to publish the price. Thanks!
Sumulat ako sa iyong email ngunit ito ay bumalik.
hello doc..ask ko l;ang po,,kung ano etong nararamdaman ko..malakit po un anus ko..para syan kumikirot..pero normal naman un pag dumi ko..wala din kasamang blood or anything..almuranas din po b eto?
Kailangan mong magpasuri sa doktor para makita kung ano ang dahilan ng pagkirot. Marami kasing sakit sa puwit hindi lang almoranas.
grade 3,4 na po ang almuranas q ano po ang posibleng gawin maliban sa operasyon.kasi po nagpakonsulta na ko operasyon na daw,ayoko po ng operasyon may paraan pa po ba?
Humingi ng second opinion sa mga espesiyalista. May alternatibong teknolohiya na maaring gamitin maliban sa tradisyunal na operasyon. Ang aming klinika ay nasa 2nd flr., Podium bldg., The Medical City, Ortigas Ave.
Mam, Gud am po ask k lng po my bukol po mlapit sa pwet k minsan po pagdumudumi k lumalaki po minsan po pumutok nman kusa n may kulay dilaw at dugo minsan po pinuputok k lng pro hnd nman po mskit almoranas po b 2 minsan lng nman po nngyyri a akin 2 almoranas po at ano po b ang lunas dito sna po m2lungan nyo po ko tnx!!!
Bakit hindi ka magpa check-up? Maari kasing ang bukol na iyong sinasabi ay hindi naman almoranas at para lamang pigsa. Dahil nang iyong pinutok ay may lumabas na kulay dilaw (nana) at dugo. Ang pigsa sa puwit na hindi nawawala ay hindi dapat pabayaan dahil kapagtagal, ang nana ay maaring kumalat. Maraming antibiotics na pwedeng irekomenda ang iyong doktor.
Good day po ako po ay may almuranas na naoperahan nitong march 2013 kasi daw po malaki na kaya kailangan tanggalin kaya lang may natira pa na nakalabas sa butas ng aking tumbong para daw hindi magsara ung butas ng pwet ko. Ok lang po ba yung may natira na di naman kalakihan? may dugo pa po sa pagdumi ko pero bihira lang naman saka sumasakit pa rin paminsanminsan. Masama po ba yun? Saka may mga bawal po ba gawin pag naoperahan na sa almuranas gaya ng pagbuhat ng mabibigat? Sana po masagot mga tanong ko maraming salamat po doc.
Ipagpaumanhin nyo po ngunit hindi namin masasagot ang mga tanong nyo on-line dahil naoperahan na kayo ng ibang doktor. Hindi ho sa tamang lugar na maisapubliko ang pag-comment dyan. Lahat ng mga tanong niyo ay nararapat na masagot ng inyong mga siruhano. Kung nais nyo po ang aming opinyon, mas mainam na magpakonsulta na lang ng personal sa isa sa aming mga konsultant, at makita mismo yung tunay na kundisyon nyo, bago kami makabigay ng assessment. Ang aming klinika ay nasa 2nd flr., Podium Bldg., The Medical City, Ortigas Ave.
dok wala po bang treatment na sa bahay lang pedeng gawin natatakot po ako na na baka lumaki,.lumalaki pa po ba ito??
Oo, ang almoranas ay maaring lumaki, dumugo at sumakit nang matindi. Makakatulong ang pag-upo sa palangganang may mainit na tubig isa o dalawang beses sa isang araw. Ngunit mas maigi ang sumangguni sa doktor upang masuri at mabigyan ng tamang gamot.
helo gud pm po. may problema po ako tungkol sa aking almoranas. 199o pa po ito .nagbubuhat po ako ng sobrang bigat tapos nagtaka nalang ako may kusang lumabas sa puwet ko, sabi ng nanay ko almoranas daw ito. so hinahayaan ko nlang tapos doon pero sad ako kc may almorans na nga ako. hanggang nakaabroad pa po ako hindi ho nakita nung nagpamedical ako 13 years ako pabalikbalik. noong 2010 isang umaga around 6am bigla sumakit ang tiyan ko pro pag tumae ako wala naman kailangan ko umiri kc natatae ako pero almoranas po ang lumabas ., from 6am to 9:30am doon lang ako sa toilet nakaupo ang sakit na talaga ng tiyan ko, tapos sumusuka ako ng dilaw na napakapait, tumayo ako mga 10am na high fever naman ako. di ko maintindihan anu yun dok.. nakaranas na ako ngayun paulit ulit katulad ng ganun naranasan ko noong 2010. nammaga po ang almoranas ko masakit xa ngayun pag dumumi ako tapos ibalik ko xa sa loob pagkatapos ko mahugasan, puede pa ba ito doc inuman ng gamot para hindi na xa lumabas, my cream po na binibigay sa akin noong nandoon pa ako sa abroad. anu po dapat kung inumin … salamat po medyo mahabahaba ito tanung ko. god bless. sana u reply soon thank u po…..
Kailangan mong magpakonsulta sa doktor upang masuri mabuti ang iyong kaso at makapagbigay ng tamang gamot. Hindi maaring magreseta ang mga doktor ng hindi muna nasusuri ang pasyente. Maaring walang kinalaman ang iyong pagsusuka at high fever sa iyong almoranas. Hindi dapat ipagwalang bahala ang mga sintomas tulad ng pagsusuka na may kasamang mataas na lagnat.
Tanong ko lang po…meron po akong parang maliit na bukol sa may butas ng puwit?ano po ba ito?masama po ba ito..natatakot po kasi ako eh…
Pakisagot naman po plss
Para sa ikapapanatag ng iyong isipan, ipasuri mo ang bukol sa doktor upang malaman kung ano ito at kung ano ang dahilan nito. Kung ito ay dahil sa impeksiyon, may kaukulang gamot na maaaring ireseta.
Doc may almoranas po ako at ilang beses na ako nagpatingin pero sinabihan po ako okay lng naman nde ipa opera dahil nde naman nakakasagabal sa araw araw kng pamumuhay. dahil, nde naman po sya sumasakit pgnadumi ako or nde dn nadugo. Nais ko po sana pumunta ng America makakasagabal po b eto sa medical ko para nde ako mabigyan ng visa?
Thanks po Doc.
Mayroon akong alam na mga kaso ng seamen at OFW na pinayuhang ipagamot muna ang kanilang almoranas nung sila ay sumailalim sa medical examination ng kanilang employment agency. Hindi ako sigurado kung ito ay ipinatutupad sa lahat ng ahensiya.
good day po,anung klaseng sakit po ba ito na saakin..,halos hindi na po ako maka pag dudumi dahil sa sobrang sakit nang puwet ko..tapos maka pag dumi man ako pero parang dumi nang kambing lang..dahil sa sobrang pagkirot,then marami syang dugo na lumalabas…una nito may bukol ang puwet ko sa labas tapos after few days nawala sya..un na ung start yong pag kirot nya…anu po bang dapat kung gawin..?kc lapit na to mag 1week..
please advice ..i need your help..
Kailangan mo nang magpatingin sa doktor upang masuri mabuti at mabigyan ng lunas. Ito ay lalo na’t mag-iisang linggo na pala ang nararanasan mong sobrang kirot at pagdudrugo. Hindi dapat balewalain ang mga ganitong sintomas.
Good Pm po! ask ko lang po if may kinalaman po ba ung naranasan kong “loslos” sa paglabas or sa almoranas?
and if ever mauwi po sa operation mga magkano po ung magiging total expense ko ?
salamat po!
Hindi mo nabanggit ang iyong edad at uri ng hanapbuhay. Tulad ng nabanggit sa artikulo ng almoranas, sa ating pagtanda, ang mga muscle sa ating katawan ay natural na humihina at lumuluwag. Ang paghina ng suporta ng muscle sa iba’t ibang parte ng ating katawan ang siyang dahilan ng pagkakaroon ng loslos at maging ng almoranas. Marami pang ibang kadahilanan upang magkaroon ng mga ito. Maraming procedures ang pwedeng gawin upang malunasan ang almoranas. Kalimitan, ito ay hindi naman kamahalan. Makipag-ugnayan sa iyong doktor upang masuri ang iyong kaso at mabigyan ng tamang lunas.
Doc, 2 yrs ago po panay dugo ng puwet ko.nagpatingin po ako sa doctor ang sabi po almoranas. Nawala nga po pagdurugo after ko inom gamot at pag check up. Ngaun po panay maga ng almoranas ko pero walang dugo, pero ang pagtae ko po. Ay watery at panay po ang hilab. Pero nararamdaman ko po may nakirot sa tumbong ko. Almoranas pa din ba ito o kolon. Kinakabahan po kasi ako at nababahal. Salamat po.
Upang hindi ka kabahan at mabahala, kumunsulta sa espesiyalista. Ang mga pagbabago sa regular na pagdumi tulad ng pagtatae o pagtigas ng dumi, paghilab ng tiyan, pagdurugo sa puwit, ay sintomas ng iba’t ibang karamdaman sa kolon at puwit.
Doc, 2 yrs ago po panay dugo ng puwet ko.nagpatingin po ako sa doctor ang sabi po almoranas. Nawala nga po pagdurugo after ko inom gamot at pag check up. Ngaun po panay maga ng almoranas ko pero walang dugo, pero ang pagtae ko po. Ay watery at panay po ang hilab. Pero nararamdaman ko po may nakirot sa tumbong ko. Almoranas pa din ba ito o kolon. Kinakabahan po kasi ako at nababahal. Salamat po.
tanung ko lng po, minsan dumumi aq prang may npunit,cmula nun my blat na aqong nkakapa maliit lng,tas pag mtgas dumi ko may ksamang dugo pero pag umiinum aq ng dulcolax maganda ang pagdumi ,almoranas n rin po b un.o dhil lng d napunit n blat?
Maaring ang iyong kaso ay ang tinatawag na anal fissure o punit sa puwit at hindi almoranas. Maari mo itong ipasuri sa doktor upang mabigyan ng tamang lunas.
Ask ko lang po meron po akong almuranas. Ngayun po maga po sya at makirot. Pero wala man po dugo nalabas. Anu po ba pwedeng gamot dito. Kasi po kapag nadumi ako ang hapdi ng puwet ko. Isang lingo na naganito. Kasi po po nainom ako nguan ng slimming pills kaya panay tae ko kaya mahapdi at makirot ang puwet ko. Salamat po!
Kailangan mong kumunsulta sa doktor upang ikaw ay maresetahan ng gamot sa almoranas. Sa ngayon, maaari mo munang ihinto pansamantala ang iyong slimming pills upang mabigyan ng panahon na gumaling ang mahapdi at naiiritang balat sa paligid ng iyong puwit dahil sa madalas na pagdumi. Makakatulong ang pagpahid ng cream na may zinc oxide tulad ng calmoseptine upang mabilis gumaling ang paligid ng puwit.
dok gusto ko lang malaman kung almoranas ba to o hindi.kac para xang skintag nung una kac maliit pa xa. binalewala q naman. paglipas ng panahon bigla nalang itong lumaki.anu ba mapapayo mo sa akin dok?salamat po ng marami
Dapat mo itong ipasuri sa doktor para matiyak kung ito ba ay almoranas. Maari kasing ito ay kulugo (anal wart) o skin tag tulad ng iyong palagay.
Meron po akong almoranas hndi naman po sya msakit . pero nbbhala po ako kase mga 13 or 14 years old pa po ako nito . since then mga twice ko lang naranasan na manakit sya . 20 na po ako ngaun pero hndi pa rin po nawawala almoranas ko . delikado na po ba ito? lumalabas lang naman po sya sa pag-iri at pagdumi .
Hindi naman delikado o life-threatening ang almoranas. Kung hindi naman makararanas ng sobrang pananakit at pagdurugo o hindi naman nakakaabala sa iyong pangaraw-araw na pamumuhay. Ito ay maaring hayaan lamang.
gud ev dok,may nkapa po aq parang bukol sa pwet q. ksnlaki ng butil ng mais sa nay pwerta mismo po. ano po ba ito? thank you poh
Upang malaman kung ano ang bukol, kailangan itong masuri ng doktor. Maaring ito ay pigsa, cyst, anal wart, o kaya ay almoranas. Iba-iba ang paraan ng paggamot dito kung kaya’t kailangan ka munang makita ng doktor.
ma’am.. acreditted po ba sanyo ang medi card??
Opo, accredited po kami ng Medicard at ng iba pang leading HMOs sa Pilipinas.